Aabot sa P1.5 milyon halaga ng umano’y shabu ang nasamsam ng pulisya sa isang estudyante at dalawang iba pa, sa buy-bust sa Makati, nitong Biyernes.

STUDE_ONLINE

Kasalukuyang iniimbestigahan sina Melvin Bulado y Maningo, 21, merchandiser, ng 3121 Gen. Garcia Street, Barangay Bangkal, Makati City; John Arman Revidad, alyas Jerome, 22, estudyante, ng 662 Ilang-Ilang St., Bgy. 137, Pasay City; at Edgardo Sanchez Fontanilla, alyas Kambal, nasa hustong gulang, ng 1648 Belarmino St., Bgy. Bangkal, Makati City.

Sa ulat ni Col. Rogelio Simon, hepe ng pulisya, nagsagawa ng buy-bust operation ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) at Police Community Precinct (PCP) 4, sa pangunguna nina Lt. Jeson Vigilia at Lt. Arnel Perez, laban sa mga suspek sa panulukan ng M. Reyes St., at Belarmino St., Bgy. Bangkal sa Makati City, bandang 4:00 ng hapon.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa imbestigasyon ni SSgt. April Castro, binentahan ng mga suspek ng apat na pakete ng umano’y shabu ang poseur-buyer, na sanhi ng kanilang pagkakaaresto.

Bukod dito, nasamsam kina Bulado, Revidad at Fontanilla ang tatlong malaking plastic ng umano’y shabu; 116 na maliit na plastic ng naturang droga, na nagkakahalaga ng P1.5 milyon; isang pakete ng marijuana, na nagkakahalaga ng P2,000; glass tube; P5,000 buy-bust money; isang .40 caliber Taurus at siyam na bala; isang .45 caliber magazine; isang cell phone; at isang puting Toyota Model BB (BEX 952).

Naghihimas ng rehas ang mga suspek, na kakasuhan sa paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at RA 10591 (Comprehensive of Firearm and Ammunitions Law).

Bella Gamotea