PINALASAP ng unang pagkatalo ni Filipino boxer Vincent Astrolabio si Indonesian Patrick Liukhoto via 9th round TKO upang matamo ang bakanteng WBO Oriental bantamweight title nitong Abril 6, Sabado ng gabi, sa Jakarta, Indonesia.

Binansagang “Asero” dahil sa matibay na panga, napabagsak ng 22-anyos at tubong General Santos City na si Astrolabio si Liukhoto sa kombinasyon bago napabagsak sa matinding kanan ang Indonesian boxer sa 9th round.

Hindi na nakabangon si Liukhoto kaya itinigil ni Indonesian referee Rus Ninihena ang laban at ibinigay ang panalo kay Astrolabio na tiyak na papasok sa WBO bantamweight rankings.

Napaganda ni Astrolabio ang kanyang rekord sa 13-3-0 win-loss-draw na may 9 pagwawagi sa knockouts samantalang bumagsak ang kartada ni Liukhoto sa 9-1-1 win-loss-draw na may 7 pagwawagi sa knockout. (Gilbert Espeña)

Salva vs Kriel bout, isinulong ng IBF sa US

Manny Pacquiao, nag-ceremonial first pitch sa gitgitan ng Yankees at Athletics

Iniutos ng International Boxing Federation kay IBF minimumweight champion Deejay Kriel ng South Africa na idepensa ang titulo nito kay mandatory at No. 1 challenger Samuel Salva ng Pilipinas bago sumapit ang Hunyo 1 sa United States.

Natamo ni Salva ang karapatang hamunin si Kriel nang talunin niya sa 12-round unanimous decision si Rene Mark Cuarto noong nakaraang Marso 29 sa Resorts World Hotel, Pasay City sa IBF eliminator bout.

Sa sulat na ipinadala ni IBF Championships Chairman Carlos Ortiz kay international matchmaker Sean Gibbons, isinaad nito na dapat maganap ang laban nina Kriel at Salva bago sumapit ang Hunyo 1.

Natamo ni Kriel ang IBF title nang ma-upset niya ang dating kampeong si Carlos Licona ng Mexico via 12-round knockout noong Pebrero 16 sa Los Angeles, California. Naisuot naman ni Licona ang IBF belt nang talunin sa kontrobersiyal na 12-round split decision si Filipino Olympian Marko Anthony Barriga noong nakaraang Disyembre 1.

Maganda ang rekord ni Salva na may perpektong 17 panalo na may 10 pagwawagi sa knockouts kumpara kay Kriel na may kartadang 15-1-1 win-loss-draw na may 7 pagwawagi sa knockouts. Gilbert Espeña

Salva vs Kriel bout, isinulong ng IBF sa US

Iniutos ng International Boxing Federation kay IBF minimumweight champion Deejay Kriel ng South Africa na idepensa ang titulo nito kay mandatory at No. 1 challenger Samuel Salva ng Pilipinas bago sumapit ang Hunyo 1 sa United States.

Natamo ni Salva ang karapatang hamunin si Kriel nang talunin niya sa 12-round unanimous decision si Rene Mark Cuarto noong nakaraang Marso 29 sa Resorts World Hotel, Pasay City sa IBF eliminator bout.

Sa sulat na ipinadala ni IBF Championships Chairman Carlos Ortiz kay international matchmaker Sean Gibbons, isinaad nito na dapat maganap ang laban nina Kriel at Salva bago sumapit ang Hunyo 1.

Natamo ni Kriel ang IBF title nang ma-upset niya ang dating kampeong si Carlos Licona ng Mexico via 12-round knockout noong Pebrero 16 sa Los Angeles, California. Naisuot naman ni Licona ang IBF belt nang talunin sa kontrobersiyal na 12-round split decision si Filipino Olympian Marko Anthony Barriga noong nakaraang Disyembre 1.

Maganda ang rekord ni Salva na may perpektong 17 panalo na may 10 pagwawagi sa knockouts kumpara kay Kriel na may kartadang 15-1-1 na may 7 pagwawagi sa knockouts.

-Gilbert Espeña