Nangako ang pamahalaan nang higit pang aksiyon upang mapababa ang kaso ng kahirapan sa 14 na porsiyento pagsapit ng 2020, makaraang lumabas sa resulta ng bagong statistics na bumaba ang bilang ng mahihirap na Pilipino sa unang bahagi ng 2018.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ikinalulugod ng Palasyo ang bagong Philippine Statistics Authority (PSA), na nagpapakita ng pagbaba poverty incidence sa 21%.
"As we commend the responsible departments and agencies for doing their respective jobs with commitment and fervor, we will not rest but rather continue to work hard to achieve our target of decreasing poverty incidence to 14%, or even better, by the end of PRRD's term in 2022 and fulfill the President’s vision of providing a comfortable life for each and every Filipino,” ani Panelo.
Ayon sa PSA, bumaba sa 21% ang insidente ng kahirapan sa bansa sa unang bahagi ng 2018 mula 27.6% noong 2015. Ipinapakita ng datos ang pagbaba ng bilang ng mahihirap na Pilipino sa 23.1 milyon noong 2018, kumpara sa 28.8 milyon noong 2015.
"These figures highlight that the Duterte administration has made significant strides and reflect how it seriously deals with the long-standing national issue of poverty," ani Panelo.
-Genalyn D. Kabiling