Dalawang personnel ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), na umano’y sangkot sa ilegal na droga, ang inirekomendang sibakin, kinumpirma nitong Martes ng BJMP.

BJMP_ONLINE

Gayunman, tumanggi si BJMP officer-in-charge, Jail Chief Supt. Allan Iral na pangalanan ang dalawang personnel dahil si Interior Secretary Eduardo Año umano ang magdedesisyon sa magiging kapalaran ng dalawang personnel.

Kasabay nito, isasailalim sa drug test ang lahat ng tauhan BJMP upang makatiyak na malinis ang mga ito sa ilegal na droga.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

-Fer Taboy