INALMAHAN ni Aiko Melendez ang aniya’y “foul” na post ng kalaban sa pagka-bise gobernador sa Zambales ng boyfriend niyang si Subic Mayor Jay Khonghun.

Mayor Jay at Aiko copy

Hindi pinangalanan ni Aiko ang nag-post ng negatibo tungkol sa kanyang nobyo, ngunit ang malinaw na itinuturo sa nasabing isyu ay ang kalaban nito sa posisyon, ang kasalukuyang bise gobernador ng Zambales na si Angel Magsaysay-Cheng.

Pangunahing pinalagan ni Aiko ang post umano na ang aktres daw ang “Jade” sa buhay ni Mayor Jay.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

S i Jade ay ang karakter na ginagampanan ni Yam Concepcion sa teleserye ng ABS-CBN na Halik. Kabit si Jade ng karakter ni Sam Milby sa serye.

Sa Instagram at Facebook Live ng aktres last April 5, inilahad ni Aiko ang kanyang saloobin dahil sa mga mapanirang posts umano laban sa kanya.

“Una sa lahat, Madam Vice Governor, I don’t wanna name you ‘coz I don’t wanna use your name for your game baka sumikat ka lang.

“I know this is what you’re waiting for, for me to answer. Kasi ‘pag sumagot ako, magkakaroon ka ng bearing, papansinin ka ng tao. O sige, I’ll give you your five minutes of fame. But after this, hindi na kita sasagutin dahil wala ka naman talagang bearing sa buhay ko. Una sa lahat, ang election dapat, you stick to the issues.”

Labis daw na nasaktan si Aiko sa taguri sa kanyang “kabit.”

“’Yung sa personal isyu na ipino-point out mo, tinatawag mo akong kabit. Hindi po ako kabit. Una sa lahat, pumasok po ako sa buhay ni Jay, wala na po sila nung ex-wife niya. In fact, gusto n’yo po i-check n’yo po sa Olongapo, naka-file na po ‘yung annulment nila.

“Hindi ko po kasalanan kung ang judicial system natin sa Pilipinas ay mabagal. That’s why I am for divorce. So how dare you call me kabit?

“Bakit ka natatakot na pangalanan ako by the nickname na ‘Jade’, ‘di ba? Sa ex-wife? Ako ang dahilan ng paghihiwalay? Ang kabit itinatago, so naintindihan n’yo po kung ano ang diperensiya ng dalawang bagay?

“Pati anak ko idinamay n’yo po. Kung ikaw po ang ganyanin ko, matutuwa ka po? Pinagbibigyan na nga kita nung sinabi mong may sakit ako sa balat, kahit may endorsement ako na beauty products, pinagbigyan na po kita, hindi kita pinatulan.”

Sa huling bahagi ng 21- minutong IG at FB Live ni Aiko, nag-iwan siya ng payo sa taong hindi pa rin niya pinangalanan.

“Advice: if you have nothing good to say about other people, keep quiet. That’s what you call decency.

“Sometimes you really can’t buy class. I hope and pray that you can just buy it in a sari-sari store but you cannot. Sadly, sad to say, your kind of politics is so dirty. Napakadumi.

“I’m not gonna mention your name because your name doesn’t fit your name. Ito sasabihin ko, Madam Vice Governor, you are elected by the people. Act like one.

“If you want to be elected again by the people, then be decent. Have a decent mouth. Have some manners. If you can’t buy manners, at least read a book about manners.”

Banta pa ni Aiko: “I am going to be your worst nightmare.”

-ADOR V. SALUTA