SENTRO ng atensyon ang lungsod ng Davao sa paglarga ng 2019 Palarong Pambansa – pinakamalaking sports events para sa mga atletang estudyante sa bakasyon – na magdaraos din ng dalawang bagong side events.

WORK, WORK! Kaagad na nagsagawa ng pagpupulong sina Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William I. Ramirez (kaliwa) at PSC Commissioner Charles Raymond Maxey kina Davao Association of Catholic Schools (Dacs) Executive Director Jimmie Loe Dela Vega, Mindanao cluster head Ed Fernandez at mga opisyal ng PSC Mindanao Office matapos ang unang flag raising ceremony nitong Lunes sa bagong satellite office ng ahensiya sa Davao City.

Nabatid na lumagda na ng memorandum of agreement (MOA) ang Department of Education (DepEd) at City Government of Davao kahapon sa Davao City Hall, para sa naturang aktibidad, sa pangunguna nina Education Secretary Leonor Magtolis Briones at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Ang taunang aktibidad, na may temang “Shaping the Future Through Sports,” ay nakatakdang isagawa mula sa Abril 27 hanggang Mayo 4.

Makakatuwang ng Davao City sa paghu-host ng sporting event, ang DepEd Region XI at ang Schools Division Office (SDO) ng lungsod.

Manny Pacquiao, nag-ceremonial first pitch sa gitgitan ng Yankees at Athletics

Nabatid na bukod sa Davao City, pinagpilian din ng DepEd upang maging host ng Palaro ngayong taon ang Zamboanga del Sur at Misamis Occidental.

Ipinahayag naman ng DepEd na magiging kaabang-abang ang Palaro ngayong taon dahil magpapakilala sila ng dalawang bagong side events, kabilang ang Larong Pinoy at Sports Heroes Day.

Ang Larong Pinoy, na may layuning palakasin at buhayin ang mga tradisyonal na larong Pinoy, gaya ng kadang-kadang, patintero, hilahang lubid, at karera ng sako, ay lalaruin ng mga miyembro ng DepEd Executive Committee, Sports Officials ng DepEd, at mga kinatawan ng local government unit (LGU), at ng mga sports icons.

Sa Sports Heroes Day naman ay mabibigyan ng pagkakataon ang mga kabataang atleta na personal na makadaupang-palad ang kanilang mga iniidolong sports icons.

Ang DepEd Region XI ang mamamahala sa Larong Pinoy, habang ang DepEd-Youth Formation Division at SDO Davao City naman ang in charge sa Sports Heroes Day, na kapwa idaraos sa Abril 28.

-Mary Ann Santiago