Kabataan ang huhugasan ng paa ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa Huwebes Santo.

(kuha ni Czar Dancel)

(Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle | kuha ni Czar Dancel)

Bagamat wala pang ibinigay si Father Reginald Malicdem, rector ng Manila Cathedral, na pangalan ng kabataang kabilang sa 12 huhugasan ng paa, tiyak na ang mga nasa listahan, aniya, ay may "different backgrounds and stories."

Ang pagpili sa ilang kabataan ay nakaangkla rin sa pagdiriwang ng Year of the Youth ngayong 2019.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

“Since it is the Year of the Youth, there will be highlights on young people,” aniya.

Matatandaang noong nakaraang taon, mga paa ng migrante, refugees at mga taong nawalan ng tirahan ang hinugasan ng cardinal, kabilang si Father Teresito "Chito" Suganob, na binihag ng grupo ng teroristang Maute noong 2017.

Habang noong 2017, mga paa ng drug surrenderers, pulis, opisyal ng pamahalaan, volunteers at mga kamag-anak ng mga biktima ng extrajudicial killings ang hinugasan ni Tagle ng paa.

Idaraos ang "Washing of the Feet" sa Manila Cathedral , 5:00 ng hapon sa Abril 18, kasabay ng misa para sa Huling Hapunan.

-Leslie Ann G. Aquino