PAPAGITNA para sa dalawang araw na kompetisyon ang pinakamahuhusay na table tennis player sa bansa sa pagpalo ng 6th Uni Orient Cup ngayon sa San Beda University gymnasium sa Mendiola, Manila.

CRUZ: Pinakabatang miyembro ng PH table tennis team

CRUZ: Pinakabatang miyembro ng PH table tennis team

Pangungunahan ni SEA Games bound at World Championship of Pingpong quarterfinalist John Russel Misal ang Joola Team 1 sa men’s elite open class sa kompetisyon na itinataguyod ni table tennis petron at civic leader Stephen Techico at inorganisa ng Table Tennis Association for National Development (TATAND) na pinamumnunaun nina Kenny Wong, Charlie Lim at Philip Uy.

“This is part of our athletes preparation for the coming SEA Games,” sambit ni Philip Uy.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Sa high school class, ang nangungunang junior player na si Katlin Cruz ng Paco ang sentro ng aksiyon.

Ganap na 8:00 ng umaga ang opening ceremony bago simulan ang aksiyon para sa mahigit 500 players mula sa 60 koponan.