TACLOBAN City – Timbuwang ang isang police officer at isang drug suspect sa buy-bust operation dito, nitong Huwebes ng gabi.

COP DRUG_ONLINE

Sa ulat, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga elemento ng Reg'l Drug Enforcement Unit 8 at Tacloban City Police Station laban kay Ralph Basiano, alyas 'Rap-Rap', nasa hustong gulang, ng Barangay 84 Cogon, San Jose, bandang 5:45 ng hapon.

Gayunman, matapos isagawa ang transaksiyon, nakahalata ang suspek na pulis ang kanyang napagbentahan ng droga at pinagbabaril ang mga awtoridad, at tinamaan si PCpl. Arman Batucan.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Gumanti ang mga pulis at pinaulanan ng bala ang suspek.

Isinugod si PCpl. Batucan at ang suspek sa Tacloban City Hospital, ngunit kapawa dead on arrival.

Nabili sa suspek ang isang pakete ng umano’y shabu, na nagkakahalaga ng P25,000.

-Marie Tonette Marticio