MAAGA pa last Wednesday ay nag-contract signing na si Derek Ramsay para maging official Kapuso bago siya humarap sa entertainment media, at mainit ang naging pagtanggap sa bagong GMA-7 talent.

Andrea at Derek

Kasama ni Derek ang mommy niyang si Remedios Ramsay at ang kanyang girlfriend na si Joanna Villablanca, his manager Joji Dingcong, at lawyer na si Atty. Maria Falcon.

Hindi na rin naman bago si Derek sa GMA, dahil nagsimula siya rito nang mag-host siya for a while sa Eat Bulaga. Minsan na niyang nabanggit na sa longest-running noontime show siya natutong mag-host, at nagkaroon ng confidence in front of the cameras.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Medyo natagalan lang ang pagpirma ni Derek sa contract.

“Last year pa ako nakipag-usap sa kanila, kasama ko ang parents ko,” say ni Derek.

“We had a great time, positive ang conversations namin, pero ako na ang humingi ng konting time bago pumirma ng contract, dahil hinahabol ko muna ang dream ko na maging professional golfer. Kaya ang mind ko, heart and everything was focused on that and during those initial talks, they were patient enough to give me time to prepare mentally.

“Gusto ko kasing i b i g a y a n g l a h a t ni Derek Ramsay sa pagbalik ko sa trabahong ito, ng 100 percent kahit pagod ako. Wala akong excuse, kailangang h a n d a a k o e v e r y time,” paliwanag ng aktor.

Y e a r 2 0 0 3 pala nang unang tumuntong sa GMA si Derek.

“ S o , i t ’ s a wonderful feeling that I am back here. Malaking factor sa akin ang parents ko para ituloy ang pag-arte, at lumipat dito sa GMA. Usually kasi ako ang lumalapit sa parents ko to ask for advice. Pero ‘di ko pa hinihingi, dumating na ang advice.

“My mom said, ‘you should do it, anak’. I learned from my mistakes in the past, always listen to your mom,” natatawang sagot ni Derek.

“Kidding aside, I told them, ‘really?’ Hindi nila alam iyon din ang iniisip ko.

“Right now I’m so happy with my decision and I think I made the right decision.”

Better Woman ang title ng first project na gagawin ni Derek sa GMA, at first leading lady niya sa Kapuso network si Andrea Torres. Mukhang excited si Derek sa project at siya na ang nag-volunteer na i-announce ito.

“I like the project, it’s very risky, very different and I got challenged. I don’t want to be safe. I love challenges and this is the project that I feel that is best for me!”

Masaya si Derek na ididirek siya ni Mark dela Cruz, dahil nakatrabaho na raw niya ito minsan.

Reaksiyon naman ni Direk Mark: “See you, Kuya Derek, on the set of #TheBetterWoman. Looking forward to work with you again soon @ramsayderek07.”

-NORA V. CALDERON