NAKAHANDA ang Philippine National Police (PNP) na magbigay ng tulong sa Original Pilipino Music (OPM) music legend na si Jim Paredes kaugnay sa kinakaharap nitong kontrabersiyo sa pagkalat ng kanyang dalawang minutong video scandal.

Jim

Sinabi ni Police Col. Bernard Banac, PNP spokesperson, na sa ngayon ay wala pa silang report na humihingi ng tulong sa kanila si Paredes para matukoy kung sino ang nasa likod sa pagkalat ng naturang video, kung saan makikitang nilalaro nito ang kanyang ari habang may ka-chat.

Iginiit ni Banac na nakahanda ang PNP na imbestigahan ang isyu dahil sa paglabag ito sa Cybercrime Law.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Nakahanda rin umanong magbigay ng tulong si PNP Chief General Oscar Albayalde sa 67-year-old veteran singer kung maghahain siya ng pormal na reklamo sa PNP Anti-Cyber Crime Group.

-FER TABOY