Nasugatan ang dalawang sundalo nang makasagupa ng umano’y grupo ng New People’s Army (NPA) sa Magpet, North Cotabato, kamakailan.

ENCOUNTER (17)

Hindi na isinapubliko ng militar ang pagkakakilanlan ng dalawang sundalo na huling naiulat na ginagamot sa isang ospital sa lalawigan.

Sa naantalang ulat ng 901st Infantry Brigade ng Philippine Army (PA), binanggit  na nagpapatrulya ang mga tauhan ng 19th Infantry Battalion (IB) sa Sitio Wakwakon, Barangay Balite sa naturang bayan, nang makasagupa ang tinatayang aabot sa 60 na rebeldeng kaanib ng Guerilla Front Committee 53.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Umatras ang grupo ng mga rebelde  patungo sa paanan ng Mt. Apo matapos ang 45 minutong sagupaan na ikinasugat ng dalawang sundalo.

Habang isinusulat ang balitang ito, tinutugis pa rin ng militar ang nabanggit na grupo.

-Fer Taboy