KALIWA’T kanan ang blind item tungkol sa aktres na nanganak na kamakailan dito sa Pilipinas at ang itinuturong ama ay aktor din na matagal nang karelasyon, na ayaw lang aminin sa publiko sa hindi malamang dahilan.

Nabanggit pa na kaya pumunta sa ibang bansa ang aktres noong nakaraang taon ay dahil buntis pero umuwi nitong nakaraang buwan para dito manganak.

Iisa ang binabanggit na pangalan ng lahat kapag may showbiz events, si Julia Montes. Pero wala namang kumpirmasyon mula sa aktres at sa management company niya na Cornerstone Entertainment.

Ilang beses na kaming nagtanong sa Cornerstone tungkol sa kalagayan ng aktres at iisa ang sagot sa amin: “Nasa Germany nagbabakasyon.”

Blind Item

Tsinuging aktor sa serye nag-fly sung daw sa ibang bansa, may iniiwasang kaso?

At ngayong dumating na ay wala pa ring update ang Cornerstone.

“Sa totoo lang, Reggee, wala kaming alam, honest. Kasi sa tuwing kukumustahin naman namin si Julia, iisa sagot niya na okay siya. Wala siyang binabanggit kung ano ang totoo. Kaya ano ang isasagot namin?,” ito ang pahayag ng handler ni Julia na si Mac Merla.

Naka-text din namin dati ang manager ni Julia na si Erickson Raymundo at sabi nga niya, “May mga naririnig kami (buntis) pero wala kaming alam.”

At kahapon ay mas lalong tumibay ang hinala ng karamihan sa blind item ni Ogie Diaz sa kanyang Facebook page.

“Congrats sa isang aktres na isa nang ganap na ina courtesy of her bf na sikat na aktor. Totoo bang habang umiiri sa delivery room (sa isang ospital sa San Juan) ay nakatakip ang mukha ng aktres para hindi makilala?

“Anyway, anuman ang rason dito ng aktres, intindihin na lamang natin. Baka may pinaniniwalaang Feng Shui na mas magaan ang pakiramdaman ng delivery habang nakatakip ang mukha ng isang nanganganak.

“Siguro rin ayaw muna ng aktres na kumalat nang bongga at inihahanda lang nila ng aktor ang announcement ‘pag naka-recover na sa panganganak ang bagets. Kung idenay man nila ‘yung ‘takip ng mukha’, wala din namang problema. Baka na-misinterpret lang ng nakausap ko.

“Anyway, kung hindi ako nagkakamali, babae ang anak nila. Pero kung nagkakamali ako, malamang, lalake.

“Naalala ko ‘yung aktor noon nu’ng ‘maudlot’ ang pagiging ama niya nu’ng araw. Pero at least ngayon, isa na rin siyang ganap na ama. At ang ganda pa ng kumbinasyon nila sa bata.

“P’wede rin silang humingi ng payo sa akin ha? Alam na. Lima ang anak ko. Pwede rin akong ninong. Hehehe.

“For now, congrats sa kanila and be the best parents in the world, ha?

#DiPoItoPangAprilFoolsDa y #KungAyawNyongManiwalaEhDiWag

-REGGEE BONOAN