SIMPLE ngunit makahulugan ang huling tweet ni Loisa Andalio, na idinadawit ngayon sa isang scandal video.

Loisa copy

“Hindi mawawala ang masayahin, makulit at positibong Loisa,” tweet ng aktres, na umani ng positive feedback.

May kinalaman ang tweet ni Loisa sa pinagdadaanan niya ngayon kaugnay ng isang video. Gusto ng aktres na kalimutan at mag-move on na lang sa nasabing kontrobersiya.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Ang rami ng comments na nagsabing sana ay hindi na maulit ang pagkakamali ni Loisa, na mag-focus siya sa kanyang career at maging matatag at matibay sa bashers, na hindi pa naka-move on sa isyu.

Sabi pa ng netizens, galingan na lang ni Loisa ang mga eksena niya sa The General’s Daughter, gayundin sa pelikula nila ng boyfriend niyang si Ronnie Alonte, with Donny Pangilinan, ang James and Pat and Dave.

James And Pat And Dave coming to cinemas this May 2019! Thank you Lord God! After 4 years kong paghihintay, ito na siya! Pangarap ko lang ito nung bata pa ako, kaya sa may mga nangangarap d’yan, ‘wag tayong susuko! Dreams do come true ‘pag may pagsisikap at laging magdasal,” sabi pa ni Loisa.

-NITZ MIRALLES