TUNGKOL sa pagmamahal ng isang magulang sa anak ang t e m a n g magsisimulang Afternoon Prime d r ama s e r i e s n g GMA-7 na Bihag, na pagbibidahan nina Max Collins at Jason Abalos.

Jason copy

Gaganap na mag-asawa sina Max at at Jason, at may anak sila, si Ethan (Rafael Landicho).

After ng mediacon ng drama series, natanong si Jason kung kailan sila magpapakasal at magkakaanak ng long-time girlfriend niyang si Vickie Rushton. Six years na kasi ang kanilang relasyon.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

“Pinaghahandaan na po namin ang kasal, pero magde-depend po kasi kung mananalo si Vickie sa Binibining Pilipinas 2019, kasi isa siya sa mga contestants,” natatawang sagot ni Jason.

“Full-support po kasi ako kay Vickie, like din noong last year na nag-join siya. Naging bonding moment namin iyon, na lahat ng kailangan ni Vickie, ako ang kumukuha at dinadala ko sa kanya. This time, ganoon pa rin ang gagawin kong pagsuporta sa kanya.

“Kung ready na kami ni Vickie, mauuna po ang kasal bago ang baby. Hindi po papayag ang parents niya na baby muna bago kasal,” biro pa ni Jason. “Very conservative po rin kasi ang family ni Vickie.”

Sa Bihag, isang pediatric surgeon si Jason bilang si Brylle, na para kay Jessie (Max) ay isang perfect husband. Happy ang family nila until nagkaroon ng hostage-taking at nawala si Ethan.

Sino ang kumidnap sa anak nila? Naging dahilan ito para masira ang kanilang masayang pamilya. Si Brylle kasi, na-involve sa ibang babae, si Reign (Sophie Albert), at napabayaan niya ang kanyang mag-ina.

Kasama rin sa cast sina Mark Herras at Neil Ryan Sese, sa direksiyon ni Neal del Rosario. Sa Monday, April 1, na ang world premiere ng GMA Afternoon Prime drama pagkatapos ng Inagaw Na Bituin.

-NORA V. CALDERON