NAGMANA ng lakas ng loob sa mga magulang si Letizia Rivera-Dantes, ang 3-year old daughter nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Sa video blog ng Dantes Squad, ipinakita ni Dingdong na walang takot na sumakay sa zip line si Zia. Since walang work sina Dingdong at Marian, mayroon lagi silang Family Day para makapag-bonding silang mag-anak. Napanood din ito sa YouTube channel ng Dantes Squad.

Sa first part ng video, ipinakita munang naglalaro si Zia kasama ang Mommy Marian niya, nagsu-shoot ng maliit na bola sa basong may lamang colored water.

Later on, ipinakita na ni Dingdong ang zip line at tinanong si Zia kung gusto raw nitong sumakay. Nag-clap pa ng hands niya si Zia na tuwang-tuwang tumango sa ama.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

“Are you scared?,” tanong ni Dingdong. Umiling si Zia at saka tumili. Makikita sa video na habang nakasakay sa zip line si Zia ay tumili lamang siya nang malakas, sa excitement siguro.

“Good job,” sabi ni Marian, at sagot ni Zia, “I’ll ride again.”

“So brave naman, Zia,” sabi pa ni Marian sa anak.

-NORA V. CALDERON