MAYROON tayong kasabihang, “kapag may tiyaga, may nilaga” or “nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa”.

Alessandra at Empoy

Isang magandang halimbawa nito ay ang komedyanteng si Empoy Marquez na nagsumikap para marating ang kinaroroonan niya ngayon.

Pagpapatunay na kanyang inang si Aling Cecilia, “Napakabait ng anak kong iyan. Nagtinda siya ng mga kakanin, yema, mani noong kabataan niya at hindi niya ito ikinahiya. Madasalin din si Empoy and he always say grace bago kumain. Hindi siya maramot na bata. Matulungin sa mga kaibigang nangangailangan. Salamat sa Diyos at binigyan niya ako ng isang mabuti at mapagmahal na anak.”

Relasyon at Hiwalayan

Jackie Forster nagparinig tungkol sa 'manipulation' at 'walang accountability'

Open secret ang mga hirap na dinanas ni Empoy bago nakamit ang tagumpay. Todong ngumiti ang kapalaran sa kanya nang maging blockbuster hit ang pelikula nila ni Alessandra de Rossi na Kita Kita. Sa kabila ng tagumpay ay nanatiling very humble si Empoy.

The fruits of his labor ay makikita sa Baliwag Bulacan sa itinayo niyang Throwback 90s Café and Resto. Sa second floor ay naka-display ang mga collection ng maraming bagay na uso noong dekada ‘90 na inipon ng komedyante.

Isa sa mga pumasyal dito ay si Alessadra at ang staff ng Magandang Buhay.

“Im happy for him and I wish him luck sa negosyong kanyang itinayo. Dapat siyang tularan ng mga young stars who are big earners. Ang pag-aartista ay hindi permanente. Alam ito ni Empoy at kanyang pinaghandaan.”

May planong muling pagtambalin sina Alessadra at Empoy sa isang proyekto na may titulong Walang KaParis.

Sosyal dahil sa Paris ang location.

-Remy Umerez