Patay ang naarestong drug suspect nang magtangka umanong magpasabog ng granada habang ibinibiyahe ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa headquarters Quezon City, iniulat ngayong Martes.

GRANADA_ONLINE

Kinilala ni PDEA Acting Regional Office V Director Christian O. Frivaldo ang napatay na suspek na si Edwin Cabezudo, alyas Pacao.

Sa inisyal na ulat, nagsagawa ng buy-bust nitong Linggo sa isang apartelle sa Alabang, Muntinlupa, at naaresto ang suspek matapos na makumpiskahan ng 500 gramo ng shabu, na nagkakahalaga ng P3.4 milyon.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Habang lulan sa mobile upang dalhin sa tanggapan ng PDEA, bigla umano itong bumunot ng granada kaya napilitang barilin ng awtoridad.

Bumulagta ang suspek at isinugod sa Quirino Memorial Medical Center, ngunit binawian ng buhay.

Nabatid na ang suspek ay big-time drug distributor sa Cavite at Bicol, at minsan nang nakulong dahil sa ilegal na droga.

-Jun Fabon