Ibinunyag ng Philippine Drug Enforcement Agency na aabot sa 31 celebrities ang nasa narco-list ng ahensiya.

Steve Pasion

Steve Pasion

Sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino na sikat ang lahat ng 31 celebrities na nasa kanilang listahan.

Matatandaang kinumpirma ng PDEA na dalawang artista ang natukoy nilang customer ng napatay na party drugs dealer na si Steve Pasion.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Marso 11 nang napatay si Pasion sa parking lot ng kanyang condominium unit sa Maynila sa operasyon ng PDEA.

Ayon kay Aquino, may narekober silang text messages sa cell phone ni Pasion mula sa isang lalaking artista, na umano’y bumili kay Pasion ng 200 piraso ng party drug na ecstasy.

Nakukuha umano ni Pasion ang droga mula sa The Netherlands at sa iba pang bahagi ng Europe sa pamamagitan ng dark web.

Fer Taboy