SENELYUHAN ang partnership sa pagitan ng Philippine South East Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) at rehydration specialist POCARI SWEAT para sa 30th South East Asian Games sa Nobyembre.
Nilagdaan nina Phisgoc Chairman Alan Peter Cayrtano at mga opisyal ng POCARI SWEAT ang memorandum of agreement kahapon sa SM Aura Kalayaan Hall Taguig City.
"The continuous outpouring of support from different multinational companies boosts our confidence that we can overcome all the challenges to deliver the best SEA games ever,” pahayag ni Phisgoc co-chairmen Cayetano.
Lumagda para sa Pocari Sweat Sina Yoshihiro Bando, President, at si Amerta Indah Otsuka,
“We are happy to share with our partners that the preparations are in full swing and the entry of POCARI SWEAT will provide a big boost to our commitment to achieve our goals and tasks,” sambit ni Cayetano.
Siniguro ni Cayetano na ang sponsor ay hindi mapupunta sa wala,at isang malaking tulong para sa pagsasagawa ng biennial meet.
Nauna na sa listahan ng sponsors ng PHISGOC ang Ajinomoto, Asics, Atos, GL Events, Grand Sport, Marathon, Mikasa, Molten at Ang Philippine Airlines para sa pagsasagawa Ng SEA Games ngayon Nobyembre 30 hanggang Disyembre 10. Annie Abad