SA kanyang unang laban sa United States, naibawi ni Mark Bernaldez ang pagkatalo ng kababayang si Mercito Gesta kay Mexican Juan Antonio Rodriguez via 9th round TKO nang kumbinsido niyang talunin sa 8-round unanimous decision ang beteranong si German Merza ng Mexico nitong Marso 22 sa Miccosukee Indian Gaming Resort, Miami, Florida.

“Super featherweight Mark Bernaldez of the Philippines pounded out a unanimous 8 round decision victory over durable veteran German Meraz of Mexico. The official scores were 80-72, 79-73, and 78-74,” ayon sa ulat ng Fightnews.com.

Ito ang ikatlong laban ni Bernaldez sa labas ng bansa makaraang matalo via 7th round TKO kay Tsuyoshi Kameda ng Japan sa Korakuen Hall sa Tokyo noong Agosto 5, 2015 at kay Aussie world rated Kye MacKenzie via 7th round TKO rin noong Oktubre 5, 2018 sa kanilang sagupaan para sa WBO Asia Pacific lightweight title sa Metro City, Northbridde, Victoria, Australia.

Napaganda ni Bernaldez ang kanyang kartada sa 18 panalo, 2 talo na may 12 pagwawagi sa knockouts samanatalang si Meraz ay bumagsak sa 62-53-2 win-loss-draw na may 39 pagwawagi sa knockouts.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

-Gilbert Espeña