Hanggang hindi pa naaaprubahan ang 2019 budget, sinabi ng Department of Education na nasa alanganin ang pagpopondo sa ilang programa, proyekto at iba pang inisyatiba nito.

Bilang pinakamalaking tanggapan sa bansa na may mahigit 800,000 personnel, sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na ang DepEd “suffers the most” lalo na sa usapin ng budget.

Ayon kay Briones, dating national treasurer of the Philippines, ang pagkaantala ng national budget ay maraming consequences – mula sa kakaunting pagkukunan ng pondo hanggang sa lower Gross Domestic Product (GDP).

Sa parte ng DepEd, sinabi niya na kapag wala ang 2019 budget, may mga proyekto na “we cannot initiate” at accountabilities na “cannot be settled."

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

PANSAMANTALANG SOLUSYON

Ayon kay Undersecretary for Finance and Spokesperson Annalyn Sevilla, isa sa mga implikasyon ng pagkaantala ng 2019 budget ay ang kakulangan ng pondo para sa mga bagong guro. Dahil ang suweldo at allowance ng mga guro na tinanggap nitong Mayo 2018 ay sakop ng 2019 budget, sinabi niya na hamon ito para sa DepEd.

Gayunman, dahil nag-o-operate ang DepEd sa reenacted budget, ipinaliwanag ni Sevilla na ang suweldo ng 100,000 bagong guro ay binabayaran sa pamamagitan ng “internal arrangements” sa iba’t ibang regional offices. “We are constrained to use our 2018 budget which does not include the newly-created positions,” paliwanag niya. Nitong Marso 18, sinabi ng DepEd na may 74 na guro na nananatiling hindi bayad ngunit hindi dahil sa kawalan ng pondo kundi dahil sa kakulangan ng documentary requirements.

Habang nakakaya pa ng DepEd na gawan ng paraan ang suweldo ng mga bagong guro, sinabi ni Sevilla na “this is just temporary.” Ipinagdiinan niya na “if this will happen for the entire year, then there is really a big problem for DepEd because we are also hiring new teachers.” Ang DepEd ay nakatakdang tumanggap ng karagdagang 80,000 guro para sa 2019.

Sinabi ni Sevilla na umaasa ang DepEd na maaaprubahan ang 2019 budget upang matiyak ang patuloy na pagpapasuweldo sa mga guro. “The 2019 is higher in funding allocation so we will not need to make internal arrangements anymore,” paliwanag niya.

Ina Hernando-Malipot