PSC, palalakasin ang programa para sa mga atleta sa lalawigan
CITY OF ILAGAN, Isabela – Higit na palalakasin ng Philippine Sports Commission (PSC) ang mga programa sa grassroots sports development, higit tunay na malaki ang pangangailagan ng mga kabataan na mabigyan ng sapat na kompetisyon para malinang ang aking husay at galing.
Ayon kay PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez, labis ang kasiyahan ng Pangulong Duterte sa partisipasyon ng kabataan sa sports at malaki ang maitutulong ng maagang pagsasanay para maabot ng atketang Pinoy ang mataas na antas ng pagiging kompetitibo.
“Lahat tayo umaasam na manalo na tayo sa Olympics. Pero alam natin hindi ito overnight. We need to pick the best among this children, then start training team for them to become a member of the national team in the future,” pahayag ni Ramirez, matapos ang pagbisita sa mga venues ng Batang Pinoy Luzon leg sa Isabela Sports Comploex.
Bukod sa Batang Pinoy, pinagtutuunan ng pansin ng PSC ang Children’s Game sa mga lalawigan.
“Sa sports, maiiwas na natin ang ating mga kabataan sa mga bisyo, malaki pa ang tsansa natin na makatuklas nang mahuhusay na atleta sa ginagaw nating talent search sa mga lalawigan,” aniya.
Upang higit na mapalakas ang institusyon, binuoni Ramirez ang Mindanao satellite office ng PSC sa Davao City.
“Yung mga atleta natin sa Mindanao, hindi na kailangang lumuwas sa Manila para mag-tryouts. Yung PSC natin sa Davao ang siya nang magrerekomenda sa atin para masuportahan yung mga potensyal athletes para sa National Team,” sambit ni Ramirez.
Sa pagpapatuloy ng aksiyon, nakopo ni Sebastien Neil Manalac ng Quezon City ang tatlong gintong medalya sa karate-do. Namayani ang 12-anyos na anak ni National member Oliver Manalac, sa 8-11 team kata, 10-11 intermidiate kata at 10-11 Boys individual kumite
“Sobrang saya po kasi pinaghirapan po ng team namin ito. Isa pa gusto ko po sundan yapak Ng Daddy ko,” sambit ni Manalac.
Humirit din si Jarious Sarmiento ng back to back gold sa advance kata.
“Self defense lang po nagsimula tapos nagtuluy tuloy na. Kaso first and last months na po ito sa Batang Pinoy. Pero masaya po ako dahil naka gold po ako,” ayon kay Sarmiento.
Sa boys Sepak Takraw, ginapi ng Sta.Maria Bulacan ang Pangasinang sa Finals.
Humirit naman ang iba pang swimmers tulad nina John Cyprus Factor (boys’ 12-under 200m free),
Dave Daryl Bandillo (boys’ 12-under 100m breast), Philip Miguel Mendoza (boys’ 13-15 200m free),
(Laguna), Renavive Subida (girls 12- under 200m free), Janelle Alisa France Lin (girls’ 13-15 200m free)
at Gabriel Angelo Jizmundo (boys’ 13-15 100m breast).
Nangibabaw din ang Quezon City sa dance sports sa napagwagihang pitong ginto, sa pangunguna ng tambalan nin Norwood Castino and Bianca Christina Galangue sa juvenile A standard at juvenile C standard events.
Nagawagi naman ang tambalan nina Timothy John Vasquez at Cherry Mae Barreng sa juvenile C Latin.