Ipinahayag ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na gagawing “priority” ng Senado ang hiling na “emergency powers” ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Kaugnay ito sa pormal na request ni PBBM sa Kongreso, kung saan humihingi siya ng emergency powers upang tapyasan ang “excise tax” sa mga produktong petrolyo, kasunod ng lumalalang sitwasyon sa rehiyon ng Gitnang Silangan.
MAKI-BALITA: PBBM, hihiling ng 'emergency powers' sa Kongreso upang bawasan excise tax sa langis-Balita
Ayon kay SP Sotto, gagawin ng Senado ang maitutulong nito sa sangay ng ehekutibo.
“Yes, yes, we will discuss it,” saad ni SP Sotto sa media nitong Lunes, Marso 9, kung ipa-prayoridad ba ng Senado ang emergency powers na hiling ng Pangulo.
“We’ll be preparing for it, basta kami sa Senate, kung ano’ng maitutulong namin sa executive department, can be [assured] that we will do our best,” dagdag pa niya.
Nagkomento rin si SP Sotto hinggil sa mga umano’y namamantala sa oil reserve.
“‘Yon ang pinakamabigat sa lahat. Dapat siguro, the authority should look into these players who are ika nga’y abusing or using it already,” aniya.
“Sabi ng presidente, if I recall it right, I think there is at least two (2) to three (3) months na reserve, so bakit sasamantalahin ng iba? ‘Di ba? Hindi pa naman tayo nangangailangan talaga totally,” dagdag pa niya.
Matatandaang kamakailan, iginiit mismo ni PBBM na may sapat na suplay ng langis ang bansa, na aabot sa humigit-kumulang 50 hanggang 60 na araw.
“First of all, let me assure everyone that we have [a] sufficient supply of oil. Mayroon tayong stockpile that are approximately fifty (50) to sixty (60) days in terms of gasoline, in terms of fuel oil, and in terms of kerosene,” saad ni PBBM sa isang press briefing kamakailan.
MAKI-BALITA: Pilipinas, may sapat na suplay ng langis abot hanggang 50-60 araw—PBBM-Balita
Vincent Gutierrez/BALITA