PANGUNGUNAHAN ni Jeremy Go, tagapangasiwa ng matagumpay na Go For Gold Philippines sports program, ang mga panauhin sa gaganaping 15th ‘Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) ngayon sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

Ito ang ikalawang pagkakataon na makikiisa si Go sa lingguhang pagtitipon ng pangunahing tabloid sports association sa bansa sa pakikipagtulungan ng Philippine Sports Commission (PSC) at National Press Club (NPC). Napapanood ang TOPS ng live sa Facebook via Glitter Livestream.

Inaasahang hihimayin ni Go ang mga paghahanda ng atletang Pinoys sa sports na sinusuportahan ng Go For Gold tulad ng chess, cycling, dragon boat, sepak takraw, skateboarding, triathlon at wrestling.

Makakasama ni Go sa ‘Usapan’ ganap na 10:00 ng umaga sina Asian Youth 18-under chess champion Marvin Miciano, nakatakdang sumabak sa FIDE Asian Zone 3.3 championships sa Ulaanbaatar, Mongolia sa Abril 6-16. Si Miciano ang pinakabagong miyembro ng Go For Gold’s club of champions.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Inanyayahan din sina boxing champions Michael Dasmariñas at Kenny Demecillo na magtutuos sa “Rising Stars” promotion sa Marso 23 sa Resorts World Manila, gayundin si cage gladiator promoyer Burn Soriano.