MALAYO na ang narating ni Gerald Santos simula nang ma-discover ang kanyang talent sa GMA talent search na Pinoy Pop Superstar noong 2006.

Gerald copy

Sa kasalukuyan, umaani ng papuri si Gerald sa pagganap niya sa katauhan ng Vietnamese na si Thuy sa musical na Miss Saigon.

Katatapos lang mag-tour ng bagong cast ng Miss Saigon, kung saan kasama niya si Aicelle Santos bilang Gigi (previously played by Rachelle Ann Go).

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Sa isang review, pinuri ang pagganap ni Gerald as Thuy.

“Gerald Santos ay Thuy, Kim’s intended husband has a rich, powerful voice and brings an intense dignity to his efforts to win her back.”

Sa kabuuan, simula nang mag-join si Gerald sa Miss Saigon noong May 2017 ay 553 beses na siyang gumanap bilang Thuy.

Gerald is in town para sa isang homecoming-reunion concert sa May 4 sa The Theatre of Solaire, produced by Mediabiz Entertainment Productions in cooperation with Solaire Casino and Resort, Star Events, and Globaltronics.

Itatampok sa events ang excerpts from Miss Saigon with permission from producer C a m e r o n McIntosh.

-Remy Umerez