Napuntaang lahat ng Dabarkads ng Eat Bulaga sa mga mahahalagang lugar sa Israel nang magkaroon sila ng pilgrimage sa Holy Land as a Holy Week vacation courtesy of the big boss ng longest running noontime show, si Mr. Antonio P. Tuviera.

Hindi nila malilimutan ang mga pilgrimage places mula sa Tel Aviv, Tiberias, Nazareth, Jordan River, Jerusalem, Bethelehem at sa sinasabing lowest part of earth, ang Petra, Ma’An Jordan. At siyempre, hindi kumpleto ang pagpunta roon kung hindi nila mae-experience ang paglusong sa Dead Sea, ang salt lake bordering Israel and Jordan, na tinawag na lowest point ng dry land.

Hindi sinayang nina Alden Richards, Luanne Dy, Pia Guanio, at Wally Bayola ang paglusong sa Dead Sea na sinasabing ang mineral-rich black mud ay ginagamit for therapeutic and cosmetic treatments sa mga spa roon.

Sa Dead Sea or Salt Lake, hindi ka pwedeng mag-swimming dahil hindi ka lulubog at kusa kang magpu-float, (tulad ni Alden sa picture), dahil nga puno ng salt ang tubig. Iyon nga lamang, allowed ka lang mag-stay sa tubig ng around twenty minutes dahil delikado. Walang nabubuhay na living being doon dahil sa mataas na content ng salt. Kaya once na umahon ka na sa tubig, kailangan mong mag-shower agad sa mga showers na nakapaligid doon, para matanggal ang salt sa katawan mo.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Last Tuesday evening ay nagkaroon ang Dabarkads ng isang masaganang dinner sa Tel Aviv, na sabi ni Ryan Agoncillo ay isa sa mga dinarayong restaurants doon. Pabalik na rin sila ng Pilipinas at maaaring ngayong araw, March 21 ay narito na sila dahil ang sabi ay live na ang Eat Bulaga simula bukas, March 22.

-NORA V. CALDERON