Sisikapin umanong maiuwi ngayong linggo sa Pilipinas ang mga labi ni Mary Ann Velasquez de Vera, isang Pinay caregiver na nasawi kamakailan sa Israel, matapos tamaan ng shrapnel ng bomba sa gitna ng lumalalang tensyon sa rehiyon ng Gitnang Silangan.
MAKI-BALITA: 'Tinamaan ng shrapnel ng bomba!' Pinay caregiver sa Israel, namatay habang tinutulungan ang alaga-Balita
Ayon kay Philippine Ambassador to Israel Aileen Mendiola nitong Miyerkules, Marso 11, limitado lamang ang “flights” na mayroon ang Israeli airlines—ngunit sila ay nakipag-ugnayan na sa pamahalaan ng nasabing bansa upang maiuwi na si De Vera.
"The airport has very limited flights, and these are normally flights flown by Israeli-owned airlines that actually bring in Israelis from out. We are trying to get some seats here because if they fly in, some Israelis, definitely the planes would have to go back out,” saad ni Mendiola.
Aniya, "So we are working with the Israeli government and trying to get the remains of Mary Ann to be onboard one of those flights as well as the husband.”
"We hope that we will be able to do this within this week or even before this weekend, and I hope we can get them both back to the Philippines," dagdag pa niya.
Samantala, tiniyak naman ng iba’t ibang ahensya mula sa Pilipinas na sila ay mag-aabot ng tulong para kay De Vera, at sa mga kaanak na naulila nito.
MAKI-BALITA: DMW, tiniyak agarang suporta, tulong sa naulila ng nasawing Pinay caregiver sa Israel-Balita
MAKI-BALITA: DSWD, may tulong-pinansyal sa pamilya ng nasawing Pinay caregiver sa Israel-Balita
MAKI-BALITA: Philippine Embassy, tiniyak 'full assistance' sa pamilya ng nasawing Pinay caregiver sa Israel-Balita
Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang paglala ng girian sa pagitan ng mga bansa sa Middle East.
Inaasikaso na rin ng pamahalaan ang repatriation ng ilan pang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na lubhang apektado ng nasabing tensyon.