MULING ilalarga – sa ikalimang edisyon – ang Tanduay Chairman Kap sa April 5 sa West Course ng Wack Wack Golf and Country Club sa Mandaluyong City.

Bong Tan

Bong Tan

Sinimulan ang torneo na may layuning pagkaisahin sa isang friendly match ang mga stakeholders at mga tagasuporta nang ipagdiwang ang ika-160 taon ng pagkakatatag ng kompanya noong 2014.

Bahagi rin ito ng pagbibigay-pugay ni young tycoon Lucio “Bong” Tan, Jr. sa kanyang ama at LT Group’s Chairman Lucio C. Tan, Sr. na kilala sa mundo ng negosyo bilang “El Kapitan”.

PBA 4-point shot, ekis kay 7x NBA Champion Robert Horry

Muli, inaasahan ang paglahok at pakikiisa ng ng mga opisyal ng LT Group of Companies, business associates, gayundina ng mga kaibigan sa pamahalaan at media.

Tradisyunal itong ginagawa sa unang Biyernes ng Abril kasabay ng pagdiriwang kaarawan ng Tan matriarch na si Mrs. Carmen Tan.

Sa pagdiriwang ng ika-165 taon ng Tanduay, isasagawa ang Chairman Kap sa dalawang shotgun group sa umaga at sa hapon.