LUMARGA na rin ang aksiyon ng Community Basketball Association (CBA) Governor’s Cup sa Talisay Sports Complex sa Cebu City.

Sa paunang resulta, ginapi ng Talisay City ang Sibonga, 96-69, para pangunahan ang liyamadong koponan sa torneo na nakatuon sa mga kabataan at talento sa grassroots level.

“Ito ang kontribusyon naming para mabigyan ng pagkakataon ang mga kabataan at mga naghahangad na makapasok sa pro league na madevelop ang kanilang talento,” pahayag ni CBA founder Carlo Maceda.

Ginapi naman ng Naga City ang Carcar, 77-61, habang nagwagi ang Milangnila laban sa San Fernando, 73-69.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Sa iba pang resulta ng laro sa hiwalay na venues.

Nagwagi ang Argao sa Oslob, 73-69; dinurog ng Alcoy ang Santader,86-60; at namayani ang Samboan sa Boljoon, 79-78, sa Oslob Municipal gym.

Sa Tuburan Municipal gym, naungusan ng Balamban ang Tuburan, 97-96.

Pinabagsak ng Bogo City ang Sta. Fe, 88-62; pinataob ng Tabogon ang Tabuelan, 79-72; at hiniya ng Medelin ang San Remigio, 76-66, sa Bogo City Coliseum.

Sa Catmon Municipal gym, naihawla ng Carmen ang Borbon, 87-85; habang naisahan ng Sogod ang Catmon, 74-73.

Tinalo ng San Francisco ang Poro, 91-62; at nahigitan ng Danao ang Tudela, 119-62, sa Danao City Civic Center.

Dinaig ng Consolacion ang Cordova, 85-78, sa Consolacion Municipal gym.

Kinaldag ng Moalboal ang Ronda, 78-71; at pinatalsik ng Dumajug ang Alcantara, 89-53,sa Dumanjug Municipal gym.

Ang kampeon sa Cebu leg ng torneo ay mabibigyan ng pagkakataon na makalaro sa National Finals.