Pinayuhan ng Department of Health ang publiko na tiyaking malinis ang kanilang iinuming tubig, upang makaiwas sa sakit.

TUBIIIIG! Dumirekta ng kuha sa fire hydrant ang isang residente ng Mandaluyong City. JANSEN ROMERO

TUBIIIIG! Dumirekta ng kuha sa fire hydrant ang isang residente ng Mandaluyong City. JANSEN ROMERO

Ang payo ni Health Secretary Francisco Duque III ay kasunod ng matinding kakulangan sa tubig na nararanasan ngayon sa ilang lugar sa Metro Manila.

Babala ni Duque, ang pag-inom ng maruming tubig ay maaaring magdulot ng iba’t ibang sakit, gaya ng diarrhea.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

“It is important to ensure the quality of your drinking water through simple, inexpensive steps to treat and safely store water in your homes to avoid falling ill,” anang kalihim.

Payo ni Duque, kung hindi tiyak kung ligtas ang tubig na iinumin ay maari naman itong pakuluan nang hanggang minuto, o lagyan ng chlorine tablets.

Gayunman, sinabi ni Duque na mas mainam pa rin talagang pakuluan nang matagal ang tubig kaysa gumamit ng chlorine tablets, dahil ang pag-chlorinate sa tubig ay maaring hindi epektibo sa ilang disease-causing organisms, gaya ng mga organismong nagdudulot ng watery diarrhea.

Idinagdag din ni Duque na kahit kinakailangang magtipid ng tubig, dapat pa ring ugaliin ng publiko na gawing prioridad ang kanilang personal hygiene, gaya ng paliligo at madalas na paghuhugas ng kamay, dahil maaari rin itong magdulot ng mga common disease, gaya ng scabies at iba pa.

“In the midst of the water shortage crisis, continue observing personal hygiene to avoid common diseases such as scabies, diarrhea and other food and waterborne diseases,” ani Duque.

“Let us conserve water, adapt to the limited water supply and make sure to prioritize cleanliness and personal health at all times,” aniya pa.

Mary Ann Santiago