KUNG si Bayani Agbayani ang tatanungin, daring talaga ang pelikula niyang Pansamantagal, na mapapanood na sa Miyerkules.

Bayani Agbayani copy

Naghubad at nagpakita raw siya ng kanyang ari sa nasabing pelikula, na idinirek ni Joven Tan.

“Meron akong frontal,” natatawang pagkumpirma ni Bayani.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Naka-plaster ba ang ari niya?“Secret,” pilyong sabi ni Bayani.

Ano naman ang sabi ng misis niyang si Len sa kanyang paghuhubad?

“Natuwa siya, [sabi niya] ‘at least ‘yung nakikita ko sa ‘yo, na nananawa na ako, makikita rin ng iba’,” sabi ni Bayani, sabay tawa.

Hindi na raw siya nag-inarte na maghubad.

“Baba talaga (briefs), walang daya. My frontal ako at may frontal din ‘yung isa,” sabi ni Bayani, tinukoy ang isa pang lalaking kasama niya sa nasabing eksena ng hubaran.

Ano naman kaya ang sasabihin ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa pelikula ni Bayani?“Natuwa ang MTRCB. Nagpalagay sila do’n (opisina) ng cross, at nagdagdag-mass sila. Araw-araw may mass ngayon doon, 9:00 ng umaga,” biro niya.

Ano naman kaya ang rating ng MTRCB sa Pansamantagal?

“Triple X,” aniya, sabay tawa. “Rated 16.”

May paliwanag si Bayani.

“Kaya namin ginawa ito ni Gelli (de Belen) para maiba naman. Kasi ‘yung dati naming project, laging pang-wholesome, pambata. Para masubukan ng mga tao na kung gagawa kami ng ganito, kung ano ang magiging hitsura namin. At saka kung paano ang pagtanggap ng mga manonood.”

So, tanggap na ng kanyang mga fans na magbo-bold o magpapakita siya ng private parts?

“Sana. Kasi ‘di ba nine million views na siya (trailer) sa social media? So tinanggap ng mga tao.”

Sabi pa ni Bayani, ang pagiging daring nila rito ni Gelli ay idinaan talaga sa mga “vulgar words” na kaswal lang nilang sinasabi at pinag-uusapan.

Komedyante si Bayani, pero masasabi raw niya na may pagka-wholesome ang approach niya sa pagpapatawa.

“Kinausap kami ni Direk Joven [Tan] isa-isa, lalo na kami ni Gelli. Noong hindi ko pa nakikita ang script, kinausap ko pa noon si Direk sa telepono, sinabi niya sa akin na ‘medyo ano ‘to ha, wala ‘yung pagka-wholesome mo na gusto mong mangyari’.

“Noong makita ko ang script, sabi ko, 50 (years old) na naman ako, it’s about time na gumawa ako ng mga daring roles. Hindi physically, kahit man lang verbally at saka sa istorya.

“Sabi ko, kaya ko naman ‘tong (dialogue) bitawan na hindi offensive. Kasi, nakikita ko naman sa gatherings na kapag nagbitaw ako ng medyo bastos, natatanggap nila.”

Sobrang natuwa nga raw si Bayani dahil sa napakapositibong pagtanggap sa trailer ng Pansamantagal, na umabot na agad sa nine million views sa ilang araw pa lang na nai-upload ito.

“Sabi ko nga, buti tinanggap nila,” saad niya tungkol sa trailer ng pelikulang produced by Horseshoe Productions.

“Pati ‘yung kay Gelli, tinanggap nila. Kasi, alam n’yo, merong itsura ang tao na alam nila na hindi ka naman ganun kahit sabihin mo ‘yung mga ganung salita, tinatanggap nila.

“Alam din nila kapag hindi mo sinabi at alam din nila kung bastos ka talaga. Alam nila ‘yun,” sabi pa ni Bayani.

-ADOR V. SALUTA