Umabot na sa 49 ang nasawi sa mass shooting sa dalawang mosque sa Christchurch, New Zealand, ngayong Biyernes.

Christchurch, New Zealand (AFP)

Christchurch, New Zealand (AFP)

"It is clear that this can now only be described as a terrorist attack," sinabi ni Prime Minister Jacinda Ardern, at tinawag ang trahedya na "one of New Zealand's darkest days".

"From what we know, it does appear to have been well planned," aniya, idinagdag na 20 katao pa ang malubhang nasugatan.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Ang gunman sa isa sa mga mosque ay isang Australian-born citizen, kinumpirma ni Australian Prime Minister Scott Morrison mula sa Sydney, at inilara6wan itong "an extremist, right-wing, violent terrorist".

Hindi pa malinaw kung ilan ang umatake, ngunit ayon kay New Zealand Police Commissioner Mike Bush, tatlong lalaki at isang babae ang nasa kustodiya ng pulisya.

Dalawang improvised explosive device ang natagpuan at na-neutralise na ng militar.

Sinabi ni Ardern na isinailalim na ang New Zealand sa pinakamataas na security threat level.

Aniya, 30 katao ang nasawi sa Masjid Al Noor mosque sa Christchurch, at 10 pa sa Linwood Masjid Mosque.

AP