Upang maresolba ang matinding kakapusan sa tubig sa Metro Manila, inatasan ni Pangulong Duterte ang Manila Water at Maynilad na magpalabas ng tubig mula sa Angat Dam simula ngayong Biyernes.

BENTANG-BENTA Nakahilera ang mga plastic na drum na ito sa gilid ng Aguinaldo Highway sa Bacoor, Cavite, na dinadayo ngayon ng mga taga-Mandaluyong, Pasig, at iba pang taga-Metro Manila na apektado ng water crisis. Mabibili ng P1,100 hanggang P1,300 bawat isa ang nasabing ipunan ng tubig. (ALI VICOY)

BENTANG-BENTA Nakahilera ang mga plastic na drum na ito sa gilid ng Aguinaldo Highway sa Bacoor, Cavite, na dinadayo ngayon ng mga taga-Mandaluyong, Pasig, at iba pang taga-Metro Manila na apektado ng water crisis. Mabibili ng P1,100 hanggang P1,300 bawat isa ang nasabing ipunan ng tubig. (ALI VICOY)

Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na “aware and concerned” ang Pangulo sa hirap na dinaranas ngayon ng maraming taga-Metro Manila dahil sa kakapusan sa tubig.

Ayon kay Panelo, inatasan na ang Manila Water Company, Inc., Maynilad Water Services, Inc., at iba pang kinauukulang ahensiya ng pamahalaan na ipagamit ang tubig sa Angat Dam sa loob ng 150 araw.

Eleksyon

Rita Avila, nagpaalala: 'Huwag na po tayong masilaw sa ayuda'

“The President is directing the Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) to demand from the Manila Water Company, Inc., Maynilad Water Services, Inc. and other responsible offices to release water from Angat Dam by noon time today, March 15, good for 150 days, in order to supply the affected areas in Metro Manila and deliver, as well as distribute sufficient water to the residents thereof,” saad sa pahayag ni Panelo.

“Failure to act or comply with this directive, the President will personally go to them and make the responsible officers account for such failure,” dagdag niya.

Una nang binanggit ni Panelo ang posibilidad na “artificial” lang ang kakapusan ng tubig sa Metro Manila, na iniuugnay sa pababa nang pababa na water level sa La Mesa Dam.

Ngayong Biyernes, bumaba pa sa 68.72 metro ang water level sa La Mesa, mula sa 68.74 metro nitong Huwebes, ang pinakamababa sa nakalipas na 21 taon, ayon sa Hydro-Meteorological Division ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

“I said it could be just inefficiency, mismanagement. In that case, it's only an artificial shortage because if the source is full and another concessionaire is also full, why is the other one not having problems?” sinabi ni Panelo nitong Huwebes.

Samantala, ibinalik naman ni Patrick Ty, MWSS chief regulator, sa gobyerno ang sisi sa krisis sa tubig.

“They're saying it's our fault. Yes, it’s our fault. It's everyone's fault because we have been delaying all these projects. Right now, we can't rely on Angat. It's just one source. We need an alternative water source and we need it yesterday,” sinabi ni Ty sa panayam sa kanya ng ANC.

Kaugnay nito, tiniyak ng Eastern Police District (EPD) na magiging mapayapa at maayos ang distribusyon ng supply ng tubig sa mga lugar na kanilang nasasakupan.

-Argyll Cyrus B. Geducos, Alexandria San Juan, at Mary Ann Santiago