Nagsasagawa ng imbestigasyon ang pamahalaan sa malawakang water supply interruption sa Metro Manila, dahil sa pangambang artipisyal ito.

TUBIG? Pinagmamasdan ng bata ang tutulu-tulong tubig sa gripo sa Bgy. Tejeros, Makati City, kasunod ng pagpapatupad ng anim hanggang 20 oras na water service interruption sa lahat ng customer ng Manila Water simula ngayong Huwebes. (ALI VICOY)

Sinabi ngayong Huwebes ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, maaaring may mali sa pamamahagi ng tubig sakaling totoo ang ulat na ang Angat Dam ay may sapat na supply.

Ang Angat Dam ang pangunahing water supply source para sa Metro Manila.

“We are precisely investigating to know exactly what is happening or what’s the cause of the lack of water supply,” ani Panelo.

Metro

PBBM, personal na sinimulan pamamahagi ng ₱5k cash relief assistance sa tricycle drivers

“Kung totoo na ang Angat Dam is punong-puno at lahat naman nanggagaling doon, oh ‘di hindi nga totoo. So something is wrong with the efficiency in distributing as well as the quotas or the shares…Artificial lang iyon, kung ganoon,” dagdag pa niya.

-Genalyn D. Kabiling