NAKA-ONE on one namin si Snooky Serna sa grand mediacon ng Sahaya, ang newest Kapuso primetime telebabad na mapapanood na this coming March 18 bilang kapalit ng Onanay.

Sabi niya, nakakapanibago raw ang role niya rito bilang kontrabida kasi halos daw lahat ng cast sa Sahaya ay kanyang kakawawain.

“Naninibago ako dito siyempre kasi nu’ng mga panahon ng kabataan namin ako ‘yung sinasampal, kinakawawa. Pero ngayon, ako na ang nananampal, nananabunot, nanununtok at kung anu-ano pa.

“Talagang salbahe ako dito bilang Salida, mapagmahal na ina pero mapaghiganti. Parang evil personified na. Bait-baitan pero salbahe talaga siya. Ano siya, plastikada rito. So there’s a lot to work for and there’s a lot to look out for sa role. Kasi talagang kakaiba siya,” lahad ni Snooky.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Ano ba ang preferred roles ni Snooky?

“Ako, gusto ko kontrabida roles, ‘Ta Mers, kasi parang nagdaan na tayo du’n sa mga roles nina Bianca Umali and we are grateful naman for having the experience to those times. Parang ngayon naman at my age, kontrabida is really something very challenging, eh.

“So kung para sa akin ngayon, talagang mas bagay yata sa akin ang maging kontrabida at my age now kasi parang mas maraming bagay to express your emotion, it’s not one positive kundi multi positive ang pagiging kontrabida, eh. As in maraming layers. So challenging, very challenging ang maging kontrabida.”

Singit ni Yours Truly, “Pero ikaw, magandang kontrabida. Blooming pa ang byuti mo in pernes.”

“Ay talaga? Thank you, Tita Mers.”

Sino ba ang peg niya as kontrabida?

“Wala akong pine-peg. I create my own character. Kasi ‘di ba kapag nag-peg ka, I don’t have anything against to those who want to peg, kaya lang sa akin kasi it doesn’t work.”

Magpapakasal na ba sila ng boyfriend niyang si Vice Governor Ramon Villarama?

“No. Not yet.”

Politician siya ‘di ba?

“Former. Former politician. Now, wala siyang balak tumakbo this coming election 2019 kasi he’s too busy taking care of his other businesses. He has a school. He is the chairman of the school tapos may mga iba pa siyang negosyo aside from that. Parang he is so concentrated now on being a businessman. So sabi niya, kung masho-short change lang niya ang taong bayan, huwag na lang. Actually ako, kung ano ang gusto niya, hindi ko naman siya pipigilan.”

Bakit hindi pa nila napapag-usapan ang kasal?

“I want to keep it private. I mean a little more private about it. Kasi I’ve noticed compared to my relationship in the past like ‘yung obviously kay Ricardo Cepeda, open na open, parang nagji-jinx, eh. Pero kapag ‘yung private mas okay, pero hindi ko naman siya dine-deny. Ayaw ko lang ng bino-broadcast ‘yung relationship namin ng todo, so parang everything goes smoother and I am happy wala akong masabi ngayon sa aming relationship but I’m just so thankful to God that I finally have a smoother relationship that is keeping me sound and is making me a better person.”

Okay lang sa mga anak niya?

“Ay, opo. Opo naman. Nagkakasundo naman sila. Yes, very much. They love each other and I am thankful that his family too has been so nice to me and my family is nice to him as well. Wala namang conflict, thank God.”

Abangan na lang natin ang Sahaya na ipalalabas na sa March 18.

-MERCY LEJARDE