Dahil sa krisis sa tubig sa bansa, nanawagan si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa publiko na magdasal para sa ulan, kasabay ng pagsisimula ng gobyerno ng cloud seeding operations.

Nag-uunahan ang mga residente na makapag-igib mula sa volunteer fire truck sa Bgy. Barangka Itaas, Mandaluyong City, ngayong Huwebes. (MARK BALMORES)

Nag-uunahan ang mga residente na makapag-igib mula sa volunteer fire truck sa Bgy. Barangka Itaas, Mandaluyong City, ngayong Huwebes. (MARK BALMORES)

“We are currently facing a crisis in water. Experts reported that we are experiencing a mild El Niño. People tasked with managing our water and power resources have warned that we face a crisis in those areas,” saad sa circular letter ni Tagle para sa mga pari at mga relihiyosong komunidad sa kanyang archdiocese.

“Our relief will come from nature. And so we implore the Master of all creation, God, our Father, at whose command the winds and seas obey, to send us rain,” dagdag ni Tagle. “Let us together storm heavens with our supplication, that God's mercy be upon us and send us the rain we need.”

National

First Family nagbakasyon sa Suba Beach, Ilocos Norte sa Huwebes Santo

Hiniling ng cardinal na maisama sa araw-araw na pananalangin, at maging sa mga misa, ang dasal na ito: “We ask the Lord to hasten to send the rain we badly need especially in Luzon so that the damage to crops and other livelihood and an impending water shortage may be averted, we pray.

“We beg the Lord to inspire us in this time of crisis to share in the name of Jesus what we have and to take the responsibility for one another and for the environment and resources that you have generously provided us, we pray.”

CLOUD SEEDING, SINIMULAN NA

Maraming residente sa Metro Manila at Rizal ang ilang araw nang apektado ng water service interruptions kasunod ng pagbaba ng water level sa La Mesa Dam—na inaasahang mararanasan hanggang sa Hunyo, sa pagtatapos ng El Niño.

Kaugnay nito, kinumpirma ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na naka-schedule na ang pagsasagawa ng cloudseeding sa mga lugar na apektado ng El Niño, partikular sa Regions 2 at 12.

Sinabi ni Civil Defense Administrator at NDRRMC Executive Director, Undersecretary Ricardo B. Jalad, na naka-schedule na ang cloud seeding operation simula kahapon, Marso 14 hanggang sa Mayo 21, 2019, pagkatapos ng joint area assessments.

Ayon kay Jalad, naglaan ang Department of Agriculture (DA) ng P18.3 milyon para sa gagawing cloud seeding operations katuwang ang Philippine Air Force (PAF).

Nag-meeting ngayong Huwebes ang mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan upang solusyunan ang water crisis, at pinagsusumite ng NDRRMC ang mga ito ng kani-kanilang action plan upang maibsan ang epekto ng El Niño.

Sinabi ni Jalad na nakapag-ulat na ang DA ng P464.3 milyon kabuuang pagkalugi sa agrikultura dahil sa El Niño.

Inirekomenda naman ng re-electionist na si Senator Sonny Angara sa pamahalaan na magbuo ng kongkretong plano upang epektibong matugunan ang kakapusan sa tubig.

STATE OF CALAMITY

Sa Mandaluyong City, na isa sa mga lungsod sa Metro Manila na apektado ng malawakang water service interruption simula noong nakaraang linggo, inaasahan nang magdedeklara ng state of calamity upang magkaroon ng sapat na pondo para matugunan ang problema.

“By tomorrow (Biyernes) or Monday, baka mag-declare na kami ng state of calamity,” sinabi ni Jimmy Isidro, information officer ng Mandaluyong, sa isang panayam sa radyo ngayong Huwebes, makaraang kumpirmahin na apektado ng water crisis ang lahat ng 27 barangay ng siyudad.

-Leslie Ann G. Aquino, Francis T. Wakefield, Leonel M. Abasola at Mary Ann Santiago