LABIS ang pasasalamat ng magka-love team na Bianca Umali at Miguel Tanfelix, na pagkatapos ng sampung proyekto na ginawa nila sa GMA Network, at sa ika-11 serye nila ay sila pa rin ang magka-love team. Nagsimula silang magtambal noong 2011, sa Magic Palayok, nasundan ito ng Paroa, Ang Kwento ni Mariposa, Basang Sisiw, Nino, Wish I May, Ismol Family, Once Upon A Kiss, Mulawin vs. Ravena, Kambal, Karibal, at ngayon sa newest primetime spectacle, ang Sahaya.
Ang Sahaya ay isang inspiring story of a determined and special Badjaw na dumanas ng maraming pagsubok sa buhay, pero nanatili siyang matatag hanggang sa kilalanin at hangaan ng mga tao ang kanyang mga tagumpay.
Si Bianca ang gumanap na Sahaya, isang magandang Badjaw na may extraordinary abilities. Si Miguel naman ay si Ahmad, ang childhood friend niya na laging nasa tabi niya at minahal siya no matter what.
“Sa ten years na po naming magkakilala at magkatrabaho ni Miguel, nakilala na namin ang isa’t isa, professionally and personally, sabay po kaming lumaki rito,” sabi ni Bianca. “Kaya po thankful kami dahil kami pa rin ni Miguel ang magkatambal dito sa ‘Sahaya’. Marami kaming training na ginawa rito kaya lalo po naming in-appreciate ang isa’t isa dahil patuloy kaming nagkakatulungan.”
“Thankful po kami sa big opportunity na patuloy na ipinagkakatiwala sa amin ng GMA,” sabi ni Miguel. “Masaya po ako na muli kaming magkatambal ni Bianca rito. As a love team, wala na po kami dapat gawing adjustment dahil natural na lumalabas ang acting na kailangan namin dahil kabisado na namin ang isa’t isa.”
Napakaganda ng AVP (Audio Visual Presentation) kaya lamang ay hindi pumayag ang GMA na kunan ito, kaya sorpresa ito sa pagpapalabas nila ng Sahaya na magsisimula sa Monday, March 18, sa kanilang world premiere, pagkatapos ng Kara Mia.
Kasama rin sa cast sina Migo Adecer, Eric Quizon, Zoren Legaspi, Mylene Dizon, Snooky Serna, Ana Roces, Ashley Ortega, with the special participation of Jasmin Curtis Smith, Benjamin Alves, Gil Cuerva, Karl Medina at sa direksyon ni Zig Dulay.
-NORA V. CALDERON