INAASAHANG isusulong ngayong taon ang paglilipat ng opisina ng National Food Authority (NFA) na kasalukuyang nasa Bacolod City sa katabi nitong lungsod na Bago City.

Ang proyekto ay siniguro ni Governor Alfredo Marañon Jr. makaraang kumpirmahin ni Department of Agriculture (DA) Secretary Emmanuel Piñol sa kanyang pagbisita sa lalawigan nitong Biyernes, na ang NFA Council ay pumayag na sa paglilipat.

“Maybe we can’t hold a turn-over by June. But before June, the construction will start and by July and August, it can be done,” saad ng gobernador.

Sa kasalukuyan, ang NFA-Negros Occidental provincial office ay matatagpuan sa Gatuslao Street, na pangunahing kalye sa lungsod.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

“(The transfer) makes sense because Bago City is your rice area. I don’t see any logic behind the continued stay of the NFA buying station in Bacolod City. It’s ridiculous, so we will go where the farmers are,” sabi ni Piñol.

Dagdag pa niyam, nangako umano si Marañon, na siyang pormal na nag-request ng relokasyon ng NFA provincial office, na matatapos nito ang paglilipat bago matapos ang ikatlo at huling niyang termino sa June 30.

Inihayag naman ng DA chief na umaasa siyang sa susunod na panahon ng anihan ng palay ay magagawa nang pamahalaan ng bagong NFA provincial office ang mga ani.

Naglaan din ang pamahalaang panlalawigan ng P50 milyon para sa kontruksiyon ng NFA office building at grains silos.

Ang bagong NFA-Negros Occidental office at buying station ay itatayo sa lote na katabi ng provincial government-owned rice processing complex, na isang DA-supported facility.

Tatlong araw bago ang ginawang pagbisita ni Piñol, ininspeksiyon ni NFA-Western Visayas Regional Director John Robert Hermano ang iminungkahing bagong lugar sa Barangay Tabunan. Sinamahan siya roon ni NFA regional engineer Remy Tamson, NFA-Negros Occidental provincial manager Frisco Canoy, at Negros Occidental provincial agriculturist Japhet Masculino.

Ayon kay Canoy, sinuri ni Hermano ang kalagayan ng iminungkahing lote para sa kanyang report, na kinapapalooban ng mga suhestiyon at rekomendasyon, na isusumite sa central office.

“The requirements have yet to be complied, including the designs, but other works like creation of staff work design are ongoing,” aniya pa.

PNA