Sinibak na sa posisyon ang pitong pulis na umaresto sa tatlong imam na nakabase sa Cagayan Valley, kamakailan.

Ito ang inihayag ni National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) spokesperson Jun nalonto-Datu Ramos, sa kanyang Facebook post.

“The PNP (Philippine National Police) has just informed NCMF-Northern Luzon Director Abdullah Macarimpas and legal team chief Atty. Raihana Sarah Macarimpas about the disciplinary sanction,”sabi nito.

Ang nasabing mga pulis aniya ay pinamumunuan ni Enrile, Cagayan acting chief of police Senior Insp. Lorvinn Layugan na inilipat na umano sa Sulu bilang bahagi ng disciplinary action ng PNP.

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

Si Layugan ay itinuturong namuno sa pag-aresto kina Habib Sirad Ditingcopen, Noraldin Bantuas Lucman, at Mossanip Madaya, pawang imam sa Cagayan Valley, dahil umano sa pagdadala ng mga ito ng iligal na droga sa tabing-kalsada sa Enrile, kamakailan.

Kaugnay nito, umaasa ang NCMF na palalayain na ang tatlong imam sa lalong madaling panahon.

Matatandaang kinasuhan na sa hukuman ang tatlong naaresto dahil sa paglabag ng mga ito sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

-Ali G. Macabalang