Hiniling ng National Citizens Movement for Free Elections sa Commission on Elections na ipaalam sa publiko kung sinu-sino ang mga kandidato sa Mayo 13 na lumalabag sa mga patakaran, sa pagsisiwalat sa mga pangalan ng mga pinadalhan na ng notice.

BAKLASAN NA! Abala ang mga tauhan sa pagpapatupad ng Operation Baklas ng Comelec sa San Fernando City, La Union, nitong Pebrero. (ERWIN BELEO)

BAKLASAN NA! Abala ang mga tauhan sa pagpapatupad ng Operation Baklas ng Comelec sa San Fernando City, La Union, nitong Pebrero. (ERWIN BELEO)

“I think the public should know which are these candidates and with details of their violations for them to know who are the violators and violations,” ayon kay NAMFREL Secretary General Eric Alvia.

"The public also wants to see the resolve and how effective the Comelec is in enforcing these rules and regulations,” dagdag niya.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Ito rin ang hiling ng Legal Network for Truthful Elections (LENTE) sa poll body.

“Comelec should announce such to inform voters who are these pasaway or erring candidates,” ani LENTE Executive Director Atty. Rona Caritos.

Una rito, sinabi ni Comelec Spokesman James Jimenez na hindi isasapubliko ng komisyon ang pangalan ng mga kandidatong may mga paglabag, hanggang wala pa sa tamang panahon.

“Since we are still in the early stages, we can’t release their names. We will release this information at the proper time,” ani Jimenez.

Hindi naman masagot ni Jimenez kung ilan na ang pinadalhan ng notice of violation, pero tiniyak na gumagawa na ng hakbangin ang Comelec laban sa illegal campaign materials ng mga kandidato at mga party-list groups.

Sinimulan ng Comelec nitong Pebrero ang monitoring sa illegal campaign materials ng mga kandidato sa pagkasenador at party-list groups kasunod ng pagsisimula ng kampanya para sa national candidates.

Pebrero rin nang magsagawa ng "Operation Baklas" sa Metro Manila ang Comelec.

-Leslie Ann G. Aquino