Pansamantala munang isasara ang daan patungong tuktok ng Mt. Apo bunsod na rin epekto ng El Niño, simula sa Abril 1.

MT. APO images (2)

Ito ang inihayag kahapon ni Sta. Cruz  tourism officer Julus Paner at sinabing iniiwasan lamang nilang magkaroon forest fire sa lugar.

Aalamin muna aniya nila sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kung hanggang kailan ang nararanasang dry spell sa bansa bago sila maglabas ng kautusang muling buksan ang lugar.

National

Dela Rosa at Marcoleta, binisita si OVP Chief of Staff Zuleika Lopez sa ospital

Aniya, pinoprotektahan lamang nila ang mga umaakyat sa magiging epekto ng El Niño.

“We also have to look at the welfare of the climbers. We want to avoid cases of heat stroke,” pahayag nito.

Sinabi pa nito na hindi makakakuha ng tubig sa bukal ang mga hiker dahil na rin sa inaasahang pagbaba ng lebel nito.

Pinaahintulutan lamang aniya nilang umakyat sa lugar ang mga nagpa-book na hanggang sa huling bahagi ng buwan.

Nauna lumabas sa Facebook post ng Department of Environment and Natural Resources-SOCCSKSARGEN na isinara na nila ang lahat ng daanan paakyat ng bundok upang maiwasan ang posibleng insidente ng forest fire, nitong Marso 7.

-Antonio L. Colina IV