AGAD nag-viral ang Instagram post ni Bea Alonzo last Thursday, March 7, bilang pagbati sa birthday ni Gerald Anderson na nasa U.S. ngayon. Marami ang na-touch, kinilig at humanga sa sincerity ng sinulat na caption ng aktres:

Gerald at Bea

“This photo was taken back in 2010. Back when I fell in love with you for the first time. Amazing how time just flies.

“Can’t help but get a little sentimental especially because you’re spending your 30th birthday in another continent in a different picture. You are a wonderful man.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

“ Y o u a r e m y g r e a t l o v e s t o r y . ” Alam kong magkakabalikan ang dalawang ito habang iniinterbyu ko si Bea at tahimik namang nakikinig si Gerald. Promo noon ng How To Be Yours, 2016. Alam ng mga mambabasa ng BALITA na sinusubaybayan at sinusulat ko ang mga kinahihiligang libro ni Bea. Nang kumustahin ko ang dalaga kung ano na ang reading materials niya at kung lumipas na ba ang hilig niya sa Zen Buddhism, nasorpresang nagtanong si Gerald kung totoo ito. Nagkatitigan ang dalawa, nakangiti, marahang tumango si Bea.

Para bang nadagdagan ng isa pa ang mga interesting na bagay sa pagkatao ni Bea na gusto niyang malaman. Mararamdaman mo kung may genuine interest o admiration ang guy sa girl, ‘yun ang dating sa akin. At may sariling wika ang mga mata at galaw ng katawan ng tao, ganito ang namasdan ko sa kanilang dalawa. Malalim ang unawaan nila.

Nagkaroon sila ng relasyon noong 2010 pero naudlot, dahil nasa kainitan ang love team nina Gerald at Kim Chiu. Tinapos at pinutol nila ang kanilang ugnayan. Tumagal lang sila ng tatlong buwan. Nasa ere -- nakasakay sa eroplano -- nang mag-break sila, parehong umiiyak.

Hayun, iniwan nila ang kanilang relasyon sa ere. Bagay ang titulo ng isang kanta ng Asin, Damdaming Nakabitin. Nagkabalikan sila noong 2016, inamin ni Bea na dahil “true love” nila ang isa’t isa. Pero nagmuntikang tuluyan nang maghiwalay dahil kay Pia Wurtzbach. (Remember, tsismis is my business.)

I s a s a mga pabor i to kong interbyuhin si Bea, dahil intellectually at emotionally honest. May chance na mainterbyu ko uli siya habang nasa promo period ang Eerie (Star Cinema) movie nila ni Charo Santos-Concio. Panahon na para malaman natin ang mga detalye ng napakagandang love story nila ni Gerald.

-DINDO M. BALARES