Magaganap sa Marso 21 ang pinakaaabangang paghaharap nina Kris Aquino at Nicko Falcis. Save the date.

Kris Aquino at Nicko Falcis

Kris Aquino at Nicko Falcis

Habang isinusulat namin ang balitang ito ay siguradong natanggap na ni Nicardo M. Falcis III ang subpoena na ipinadala ng Office of the Prosecutor sa Quezon City na pirmado ni Assitant City Prosecutor Charisma Reyda Y. Manauis.

Parehong pinadalhan sina Nicko at Kris Aquino para sa susunod nilang hearing sa Marso 21 sa ganap na 10:30 ng umaga, para dinggin ang kasong Qualified Theft under Art. 310 in rel. to Art 308 and 309 of the Penal Code Violaton of R.A. 8484 na isinampa ng huli nitong nakaraang taon laban sa dati niyang staff ng KCA Productions.

Rhian Ramos nagpatakam ng choco cookies habang nakabikini

Base sa nakasulat sa subpoena ay “no motion to dismiss will be entertained. Only counter affidavits will be admitted.”

Halos ganito rin ang nilalaman ng subpoena na galing sa Office of the Prosecutor San Juan City na pirmado ni Senior Assistant City Prosecutor Ma. Dinna J. Paulino na ang hearing naman ay sa Marso 20, 2:00 ng hapon. Lack of merit ang nakasulat sa isinumiteng affidavit ng respondent na si Nicko Falcis.

Sa pitong siyudad sa Metro Manila kung saan naghain ng reklamo si Kris laban kay Nicko ng qualified theft ay pumabor sa kanya ang korte ng Quezon City at San Juan.

Pumabor naman ang korte ng Pasig City at Makati City kay Nicko.

Sa kasalukuyan ay hinihintay pa ang resulta ng Taguig City, Mandaluyong City at Manila City para sa nasabing kaso.

Reggee Bonoan