BALIK-Kapuso si Dawn Zulueta, pero hindi teleserye ang gagawin niya, kundi pagbibidahan niya ang happy movie sa nagbabalik-produksiyon na GMA Films, na ngayon ay GMA Pictures na.

Dawn copy

Co-produced ang Family History ni Michael V at ng Mic Test Entertainment ng komedyante. Si Michael V rin ang nagsulat at magdidirek ng movie.

Matagal-tagal na ring wala sa Kapuso Network si Dawn. Kung hindi nagkakamali ay 13 years ago pa siyang huling napanood sa GMA-7, sa orihinal na Encantadia telefantasya. In 2017, gumawa siya ng movie with Vic Sotto, ang Meant To Beh, under sa M-Zet Productions ng huli.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Nagkaroon na ng story conference ang Family History the other day. Makakasama nina Dawn at Bitoy sa movie sina Bianca Umali, Miguel Tanfelix, Paolo Contis, Ina Feleo, Cacai Bautista, Mikoy Morales, Noni Buencamino, at marami pang iba.

During the storycon, binigyan pa ng surprise birthday celebration ng production si Dawn, na siyempre pa ay very thankful sa sorpresang natanggap.

Mukhang full-blast ang GMA Pictures sa taong ito. Last week ay nauna nang nag-story conference ang isa pang comedy movie nito, na launching ni Super Tekla.

-Nora V. Calderon