BILANG reality show, maraming bagay na maaaring mangyari sa Pinoy Big Brother Otso, at hindi laging sasang-ayunan o ikatutuwa ito ng mga manonood.

Andre at Lou

Tulad nitong episode na napanood kamakailan ng inyong Yours Truly, nang may nangyaring halikan sa pagitan ng dalawang housemates—sina Andre Brouillette at Lou Yanong. Mabilis na nag-react ang ilang netizens at nagsabing hindi magandang ehemplo ito sa mga mas nakababatang manonood.

May ilan rin namang nagtanggol at nagsabing unfair ito dahil ang PBB ay tulad rin ng ibang palabas na may kapupulutang aral. Masasabi ngang salamin ng totoong buhay ang bahay na ito.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa sitwasyong ito, dapat isama sa konsiderasyon ang ipinakitang maturity at responsibilidad ng mga kasamang housemates. Kung napanood n’yo nang buo ang episode, makikitang hindi rin naman natuwa ang ilang housemates sa nangyari. Pinagsabihan pa nila ang dalawa.

“Kailangan ko silang pigilan kasi ayoko silang hayaan lang silang ganun,” sabi ni Mary Grace Lagos sa kanyang paghaharap kay Big Brother. In fact, nilapitan pa niya ang dalawa sa pool para pigilan sila.

“Kami ni Fumiya (Sankai) at Ate Grace, kami ‘yung naka-observe na medyo nagiging touching na sa isa’t isa. Sa iba siguro okay lang pero sa akin po talaga, Kuya, hindi po ako kumportable na makita ‘yung silang ganun,” sabi naman ni Yamyam Gucong kay Big Brother sa confession room.

Pinagsabihan rin ni Fumiya si Andre: “If you feel offended I’m sorry...but we are family. But you had too much drink and you cannot control anymore.”

In the end, inamin nina Andre at Lou ang pagkakamali nila.

“I just want to say I am sorry about last night ‘cause I way drink too much,” sabi ni Andre.

Sagot ni Big Brother: “I care about all my housemates pero bawat action ay may consequence. Walang problema magkasiyahan but be careful.”

Henga naman. Sabi nga, be careful sa salita, sa gawa, at lalo na be careful with your heart sa true lang.

-MERCY LEJARDE