Tiniyak ni Justice Secretary Menardo Guevarra na iimbestigahan ang mga pulitikong nasa ilalabas na narco-list ng pamahalaan.

NARCO-LIST

“Once the list is made public, we shall request the sources of the information (Philippine National Police, Philippine Drug Enforcement Agency and local government units) to provide us with copies of their intelligence reports,” ani Guevarra.

Sinabi ng kalihim na aatasan niya ang National Bureau of Investigation (NBI) upang mangasiwa sa gagawing pagsisiyasat.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Aniya, kapag nakitaan ng sapat na ebidensiya ay kakasuhan ng DoJ sa hukuman ang mga pulitikong nasa narco-list.

Matatandaang inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na isapubliko ang narco-list.

Depensa naman ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, layunin lang ng pagsasapubliko sa listahan na i-discourage ang mga botante na huwag iboto sa Mayo 13 ang mga kandidatong sangkot sa droga.

Sinabi naman ni Guevarra na maaaring gumamit ang mga imbestigador ng wiretapped recordings mula sa mga foreign governments kung gagamitin ito bilang basehan ng nabanggit na listahan.

Gayunman, pinabulaanan ng PDEA ngayong Huwebe na “wiretapped” ang impormasyong pinagbasehan ng narco-list.

Ayon kay PDEA Director at Spokesman Derrick Arnold Carreon, “as far as PDEA is concern the narco-list came from its counterparts from the local anti-narcotics agencies’’.

Sinegundahan naman ito ni PDEA Director General Aaron Aquino.

“Wala po kami natatanggap na mga information or intelligence regarding sa narco-list na nanggagaling po sa ibang bansa,” ani Aquino.

-Jeffrey G. Damicog at Chito A. Chavez