NAGBUKAS na kamakailan ang Piyesta ng Anilag, na tinaguriang “mother of harvest festivals”, na pagtatampok sa masaganang ani ng probinsiya, mayamang kultura at ang mga talentado at mahuhusay nitong mamamayan.

Pinangunahan ni Laguna Governor Ramil Hernandez, kasama si Senadora Cynthia Villar, pinuno ng Senate Committee on Agriculture and Food Security, ang pagbubukas ng festival site kung saan masasaksihan ang mga malikhaing booth, agrikultural na produkto at pagtatampok sa mga kabuhayan ng anim na lungsod at 24 na bayan sa probinsiya.

Sa temang “Sama-sama ang Pamilya sa Masayang Laguna,” hinikayat ng gobernador ang mga Lagunense at mga bisita na i-enjoy ang isang linggong kasiyahan.

Pinuri naman ni Villar ang probinsiyal na pamahalaan at ang mga nag-organisa ng piyesta sa pagtuon sa agrikultural na ani ng probinsiya.

Night Owl

Marupok ang demokrasya—ngunit nasa mamamayan ang tunay na lakas nito

Nagbibigay umano ng “consciousness and inspiration” sa mga magsasaka, mangingisa at agrikultural na manggagawa ang kanilang kontribusyon sa pagtitiyak ng sapat na pagkain hindi lamang para sa Laguna, kundi para sa buong bansa.

Hinikayat din niya ang lokal na pamahalaan na suportahan ang sektor ng agrikultura, upang masiguro ang pag-unlad at pananatili at ang pagtaas ng produktibidad sa pagkain.

Bukod naman sa booth competition, 12 LGUs ang nakilahok sa float making competition, habang 10 grupo ng mga street dancers ang nagpatalbugan sa parade.

Sa isang panayam, sinabi ni, Dr. Rosauro A. Sta. Maria, Jr. na ang hangarin ng “Rise High Laguna” ay isulong ang mga tourist spot at natural wonders ng probinsiya. Kilala ang Laguna para sa mga hot and cold springs, kaya naman tinawag ang probinsiya na “spring resort capital” ng bansa, lalo pa’t napalilibutan ito ng Bundok Makiling at Bundok Banahaw.

“Our province provides glimpses of nature at its best with the majestic Mt. Makiling and Mt. Banahaw, both tropical forest reserves that are filled with legends and folklore,” pagbabahagi ni Sta. Maria, kasabay ng pagbanggit sa mga cold at hot springs resorts sa mga bayan ng Liliw, Nagcarlan, Majayjay, Los Baños, at Calamba City.

Nagsilbi ring information center ang mga booth sa piyesta sa pagpapakita ng sikat na Pagsanjan Falls at Magdapio Falls sa bayan ng Cavinti.

Ibinahagi din niya ang pagpapaunlad sa Panguil River Eco-Park at ang trekking patungo sa Ambon-Ambon Falls; ang pag-akyat at camping sa Mt. Makiling; at wakeboarding sa Canlubang, Calamba City.

“We take pride in our rich heritage and culture and colorful history as we have the Rizal Shrine, home of our national hero Dr. Jose Rizal; various museums and art galleries; centuries-old churches among them in Pila, Majayjay; and the underground cemetery in Nagcarlan, which are now declared national heritage sites,” dagdag pa niya.

Ibinahagi rin ni Sta. Maria ang pagsusulong ng paglilinis ng Laguna de Bay, na nangangahulugang “lagoon of the beautiful” sa Espanyol, ang pinakamalaki sa bansa at third largest living lake sa Asya.

Patuloy din, aniya, ang pangangalaga at konserbasyon ng mga LGU sa Pitong Lawa sa San Pablo City at ang ganda ng man-made lake ng Caliraya; Lumot lake sa Cavinti; mga natural lakes sa Kalayaan at Cavinti; at ang “dinosaur” volcanic lake sa Los Baños.

Bukod naman sa turismo nais din itampok ng Anilag Festival ang “ingenuity and craftsmanship” ng mga maglililok at mga gumagawa ng “taka” (papier maché) ng Paete, ang “barong embroideries” sa Lumban, na nagdaragdag sa mayaman na tradisyon at kultura at ang makulay na kasaysayan ng Laguna.

PNA