AKTIBONG-aktibo ang Viva Live, sangay ng Viva Group of Companies, sa pagpo-produce ng concerts. Pagkatapos ng first major concert ni Katrina Velarde sa Kia Theater last month, na sinundan ng Playlist concert sa Araneta Coliseum last Friday, may bago na naman itong handog sa Abril.

James, Billy at Sam copy

Matapos na parehong kumita ang dalawang naunang concerts, sa April 5 ay mapapanood naman ang The Cr3w nina James Reid, Sam Concepcion, at Billy Crawford sa Big Dome.

Ito ang unang pagkakataong magsasama-sama sa isang concert sina James, Sam, at Billy.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Ngayon lamang magko-concert si Billy matapos ang ilang taong pamamayagpag sa Europe, kung saan siya hinangaan nang husto at gumawa ng pangalan. Sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas ay hosting jobs ang tinutukan niya nang husto. Pero sa pagpirma niya sa Viva ay muling bubuhayin ang kanyang singing career.

Produkto ng singing competition sa ABS-CBN, si Sam who is also a stage actor. Excited at inspired siya na makatrabaho sina James at Billy, kung saan magiging fully utilized ang kanyang talino.

Ganito rin ang nararamdaman ni James, na dalawang beses nang nag-perform sa Big Dome. Maraming fans ang sumusuporta kay James, at tiwala ang pamunuan ng Viva na sa The Cr3w, James will shine on his own.

-REMY UMEREZ