KUNG may isang singing experience na hindi malilimutan ni Christian Bautista, ito ay walang iba kundi ang duet nila ni Josh Groban sa concert kamakailan ng huli sa MOA Arena.

Josh at Christian copy

Nag-duet sina Christian at Josh ng We Will Meet Again, na orihinal na duet ni Josh kay Andrea Boccelli.

Big fan si Christian ni Josh Groban. Halos magkahawig ang kanilang boses kaya naman tinagurian siyang Josh Groban ng Pilipinas noong 2003, ang taong sumali siya sa Star In a Million ng ABS-CBN. Si Erik Santos ang nagkampeon sa nasabing kumpetisyon.

'Sarap sa pakiramdam!' Kiray mahal na mahal, never niloko ng jowa

Sa Instagram, nag-post si Christian: “I was introduced to his music when I first started singing professionally. Tonight I met the man who started it all.”

Second visit ito ni Josh sa bansa at nangako siyang babalik the soonest. First time rin ito ni Josh to perform on a big venue like MOA, at hindi raw niya malilimutan ang mainit na pagtanggap ng Pinoy audience.

-Remy Umerez